Work At Home Now

The On Demand Global Workforce - oDesk

Saturday, April 10, 2010

Paraiso: Ang Katauhan ni Katie



"Gusto ko maging mabait ka kay Janina. Madami na akong nagawang kasalanan sa mundo at hindi na ako magtatagal. Anak. Mangako ka na kahit anong mangyari, magiging mabuti kang kaibigan kay Janina." ang pakisuap ng ama ni Katie. Mahina na ang katawan nito suballit hindi ito lingid sa kaalaman ng mga mamamayan. Ang alam ng mga tao ay nagpapagaling lang sa katatapos na operasyon sa atay sa nakakaraang dalawang buwan. "Daddy, hindi ko po alam ang gusto ninyong mangyari. Nakikita ko po si Janina sa sa school pero hindi naman po kami close, at wala naman akong close friends sa school." ang tanong ni Katie sa ama. Sa mga sandaling iyon, makikita mo sa kanyang mga mukha ang isang palaisipan kung bakit biglang hinihiling ng ama na maging mabait siya kay Janina. "Katie, simula ng pinaalis ko ang nanay at mga kapatid mo sa Pilipinas labin limang taon na ang nakakaraan, ikaw nalang ang naging pamilya ko. Lumaki kasama ako at sa tuwing nakikita kita, ay parang dinudurog ang puso ko sa mga pagkakamaling nagawa ko nuon." ang sagot ng nanghihinang ama. "Daddy, hindi ko po maintindihan. Anong pagkakamali ang sinasabi niyo?" ang naitanong ni Katie sa ama.

Sa mga sandaling iyon, hindi masagot ng ama ni Katie ang katanungan ng anak. Nais man nitong sagutin ang tanong na 'yun, pero may pumipigil sa kanya. Ang takot na iwan siya ng anak 'pag nalaman nito ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Mulat lang ang mga mata ng ama ni Katie. Pero dahil sa tumatanda na at may karandaman pa, dahil sa kasingkitan, ay parang nakapikit na ito.  Nakanganga ang bibig nito na nagpapahiwatig ng malungkot na paroroonan... ang kamatayan.
********************************

Labinlimang taon ang nakakaraan ng igapos at ikulong sa isang malaking bodega sa isang hacienda ang mga katulong at magsasaka. Iyon ang gabi kung saan mapapatupad na ang pinaplano ng isang lalaki na sakim sa kapangyarihan."Siguraduhin niyo na masunog lahat ng parte ng hasyenda. Nakaplano na lahat ng ito at dapat walang maiiwan sa mga taong nakakulong dahil nakita na nila tayo. Unahin ninyo yung bodega saka niyo ihuli ang malaking mansyon." ang wika na naggaling sa isang boses ng lalaki. Sa mga oras na iyon, naka park ang maitim na kotse sa hindi kalayuang lugar mula sa mansyon. Nanlilisik ang mga mata sa galit. "Opo sir." ang sagot ng isa sa mga tauhan nito.

Wala pang kalahating oras ang nakakaraan ay makikita mo sa hindi kalayuan ang naglliyab na bodega sa hacienda. Bagama't malayo ito sa bayan, hindi ito mapapansin ng mga tao. Nais man sumigaw ng mga tao na nakakulong at sa mga oras din 'yon ay nasusunog na, ay hindi nila magawa. Nakatali ang isang malaking lubid sa mga bibig nito at nakagapos ang mga paa at kamay sa isang malaking bato. Nakakalahati na ang sunog sa hacienda at ang huling susunogin ay ang malaking mansyon. Nakapaligid lahat ng tao sa mansyon maliban sa likuran nito na wala nang dadaanan. Sa loob ng mansyon ay mahimbing ang pagkakatulog ng isang pamilya. Ang mag-asawa ay nakahiga sa isang malaking kwarto at ang magkapatid na babae ay isa kabilang kwarto naman. Isang apat na taong babae at isang sanggol na apat na buwan pa lang ang tanda.

"Ihagis niyo na ang lampara sa sa bawat sulok ng bahay. Bawal magpaputok. Ngayon na!" ang utos ng isang tauhan. Itinapon nito ang mga lampara at nagsimulang bumalot ang usok at apoy sa loob ng mansyon."Mommy!!!! Daddy!!!" ang sigaw ng batang panganay. Kumatok ito ng malakas sa kwarto ng mga magulang subalit hindi ito marinig. "Mommy!!! Nasusunog po ang bahay!" ang isa pang sigaw nito. Sa sobrang kapal ng usok na bumabalot sa bahay ay nahihirapan na ito huminga. Nahiga sa may hagdanan habang pilit na kinakatok ang natutulog na mga magulang. Sa may hagdanan naman, ay hindi mo masyadong mamumukhaan na malaking lalaki na umaakyat. Lumapit ito sa bata... "Anak?" ang siyang nasabi nito habang ang bata naman ay nahihirapan nang huminga. Dali dali itong kumuha ng basang kumot sa kwarto ng bata at binalot sa kanya. "Si Katie po... tulungan ninyo." ang pakiusap ng bata na sa mga oras ding iyon ay nakakahinga na kahit papaano. Kinatok ng malakas ang kwarto ng mag-asawa at sinipa ang pinto. Kasabay nito ang pagbangon ng mag-asawang nagtataka sa mga pangyayari. Nang makita ng ina ng bata ang usok na bumabalot sa buong kwarto, ay dali dali naman ito gumapang at kumuha ng basang kumot. Ang tatay naman ng bata ay hindi makakibo sa nakitang usok at apoy na sa mga oras na iyon ay malapit na sa kinaroroonan nila. Nakita ng ina ang lalaking nagbukas ng pinto na siya namang umalis at pumasok sa kabilang kwarto. Mainit at mabilis ang pagkalat ng apoy sa mansyon sa mga sandaling iyon. "Anak, si Katie... nasaan na?" ang tanong ng nanay nito. "Mommy...hi-hindi ko po alam.Hindi ko-ko po a-abot ang duyan niya." ang sagot ng bata na nahihirapan na huminga. Bumalik sa katinuan ang tatay nito at saka naisip na nasusunog na pala ang bahay nila.

Dahil sa takot at pagmamadali, kinalong nito ang anak na nangingig na sa takot na nakahandusay parin sa labas ng pinto. Binigay itosa asawa at sabay inalalayan papunta sa isa pang maliit na kwarto, mismo sa loob ng kanilang kwarto, ang secret room. Pinagawa ito para makatakas sila kung may mga pangyayaring tulad nito. "Si Katie? Paano na si Katie?.... ang tanong na umiiyak na asawa. "Unahin niyo sarili niyo. Ako balik loob tapos sunod kami Katie sa inyo. Dahan dahan kayo paslide pababa. Wala kita sa inyo pagdating baba. Wala daanan dun kung hindi dito galing tao." ang sagot ng asawa. Niyakap nito ng mahigpit ang dalawa at sabay tinulak paloob. Sa mga sandaling iyon, ay makikita mo ang kumakapal pa na usok. Hindi alam ng ama ang gagawin niya subalit isa lang ang nasa isip nito. Ang kunin ang kapapanganak na anak nito.

Dali dali nitong binasa ang makapal na comforter sabay tumakbo sa papunta sa kwarto ng sanggol. Habang tumatakbo ito ay naalala niya na ang pagkapanganak nito kung saan ay anduon siya sa tabi ng asawa. Si Katie na pinakahihintay nilang anak matapos ang mahabang panahon. "Katie... anak!" ang sigaw nito ng papasok na siya sa kwarto ng batang pinakamamahal niya. Habang ito ay papasok sa loob ng kwarto para puntahan ang kinaroroonan ng iyak, ay nakita niya ang isang lalaking kalong kalong ang bata. Dahan dahan itong lumapit at kinausap. "Salamat. Sino ka? Saan mo dalhin anak ko." ang tanong ng ama. Hindi makita ng ama ang mukha ng lalaking nakabalot rin sa kumot. "Sir... hindi niyo po ako kilala, pero malaki ang utang na loob ko sa inyo sa pakupkop ninyo sa anak ko. Oras naman na ako ang tumulong sa inyo." ang sagot ng malaking mama. "Ikaw tatay ni..." ang nais sanang sabihin ng ama... subalit naputol ito ng may bumagsak na kahoy na nasusunog sa likod ng mama. Dali dali nitong hinablot ang kamay ng mama sabay pinauna papunta sa kwarto ng mag-asawa para makatakas. Madali itong nakapunta sa kwarto nila at pinauna ang ang mama at si Katie na makapasok sa secret room.  Ng mga panahong iyon, halos sunog na ang buong mansyon. Pinagplanuhan ng matagal ang pagsunog sa mansyon. Lahat ng kalan binuksan sa loob at may kasabwat na mangagawa para maipatupad nito na siyang nagkalat ng gasolina sa loob ng bahay habang natutulog na ang pamilya.

"Sige una na kayo... dahan dahan at higpit paghawak anak ko. Malaki utang loob ko sa'yo.  Ito ilagay mo sa leeg anak ko, galing 'yan mga magulang ko China. Swerte daw yan." ang pabiro pang pakiusap ng ama. Nauna pababa ang lalaki at si Katie. Nang papasok na sa loob ang ama... ay huli na ang lahat. Nakaharang na ang apoy na unang kumalat sa harap nito, bago pa man ito nakapasok.
*********************

"Daddy, ano po ba ang iniisip ninyo?" ang tanong ni Katie sa ama. "Wala anak. Namimiss ko lang mga kapatid mo na hindi mo pa nakikita." ang sagot ng ama sa nagtatakang anak. Hindi na kumibo si Katie pero nakikita niya na may gumagambala sa isipan ng ama. Kung ano man iyon ay hindi niya alam. Ang ama naman nito ay pilit parin na isipin ang nakaraan. Ang panahon na labinlimang taon na ang nakakaraan. Ang panahon kung kailan binigay sa kanya sa Katie ng isa sa mga tauhan nito. Ang panahon na kung kailan, malaki ang nagawa niyang kasalanan. Ang panahon na nagpabago ng ikot ng mundo niya at buhay ng pamilyang sinira niya.

"Daddy we're home!" ang maririnig mo sa isang dalagita na kabubukas pa lang ng pinto. "Anak!" ang siyang wika ng amang naghihingalo na sa mga oras na iyon. Si Katie sa sandaling iyon ay hindi alam ang tunay na nararandaman. Nais niyang marandaman ang lukso ng dugo, pero pilit itong nilalayo ng puso niya. Nakikita rin niya na iba ang mukha ng kapatid na lumapit at yumakap sa ama. Iba din ang trato sa kanya ng babaeng ni ang pagtingin sa kanya ay hindi nito magawa.


Itutuloy.....

No comments:

Post a Comment