"Lourdes, anong nangyayari sa'yo?" ang siyang nasigaw ni Qathy. Hinahabol ng hininga si Chuniwoo na agad tumakbo nang marinig ang sigaw ng asawa. "Anong yari kay Lourdes?" ang agad niyang tanong. Makikita mo sa paligid ang mga tao. May nagtaka, may nagulat, at may nakikiusyoso lang. "Sige po, pwede po muna lumbas sa kusina ang mga tao? Kailangan ni Lourdes ng preskong hangin". ang pakiusap ni Qathy sa mga tao. Lumisan ang mga taong nakikibalita sa nangyari at naiwan ang mag-asawa.
"Lourdes, ano ba yari sa'yo? Bakit ikaw himatay?" ang nataning ni Chuniwoo sa kanyang isipan. "Hon, kailangan natin mag-usap. Si Janina, tulog na ba?" ang wari ni Qathy. "Oo hon, tulog na (chinese accent). Ano dapat atin usap?" ang sagot ni Chuniwoo sa asawa. "Sa palagay ko may problema si Lourdes. Sinabi niya sa akin na magpapaalam na daw siya sa atin at uuwi ng probinsya. Hindi ko alam kung bakit biglaan ang kanyang pag-alis pero ang alam ko baka may problema siya. Nararandaman ko." ang sabi nito sa asawang tulala habang pinapaypayan nito ang walang malay na si Lourdes. "Ano problema Lourdes? Pera? Iyak siya dahil wala pera siya?" ang tanging naitanong nito sa asawa. Pero sa mga sandaling iyon ay may sumagi sa kanyang isipan.
*****************
Disyembre ng nakaraang taon ng ang lahat ay abala sa paghahanda para sa Noche Buena. Dahil sa nakasanayan ng intsik ang tradisyon ng mga intsik, ay nasa isang pahingahan lamang ito at uminom ng serbesa. Mag-isa siya na umiinom habang malalim ang kanyang iniisip. Kumakanta ng kanyang paboritong chinese song na paulit ulit lamang. Nakasanayan na ni Chuniwoo ang mag-isa sa araw ng pasko. Pagkalipas ng ilang oras ay namumutla na si Chuniwoo sa kalasingan. Tumayo ito at kumakanta parin pero wala ka nang maiitindihan pa. Pababa na siya ng bigla siyang nahilo at nahulog sa hagdanan.
"Sino ka?" ang siyang tanging naitanong sa taong umalalay sa kanya. Tiningnan niya ito subalit malabo ang kanyang paningin sa mga panahon iyon. Inalalayan nito ng babae na hindi nakadamit ng puting bestida papunta sa loob ng kubo na pinagpapahingahan ni Chuniwoo. Dahil sa madumi ang itsura ni Chuniwoo nuong mga panahong iyon, nilinisan nito ng babae... pinunasan niya ang mukha nito, sa leeg... at nagdesisyong pati sa kanyang katawan. Unti unti niyang hinubad ang maitin na kamiseta ni Chuniwoo. "Uhhhmmm... ang sakit ng ulo ko." ang wika ni Chuniwoo. Sa mga oras na pinupunasan na ito ng babaeng hanggang sa mga panahon iyon ay hindi pa mamukhaan ni Chuniwoo, ay unti unting bumabalik at ulirat niya. Namulat si Chuniwoo ng kanyang nakita ang mukha ng babaeng nagpupunas sa kanya. "Ikaw?" ang tanging naitanong ni Chuniwoo sa kanya.
********
"Ano ka ba Hon, paano naman naging pera ang problema ni Lourdes." ang sagot ni Qathy. Tinapik ni Qathy ang balikat ng asawa na nakikita niyang wala sa sarili. "Ano?" ang tanong nito ulit kay Qathy. "Baka may malala na siyang sakit." ang sagot nang nag-aalalang asawa. "Ano sakit Lourdes?" ang tanong ulit na parang wala parin sa sariling si Chuniwoo. "Kanina kasi, at noong mga nakaraang araw nakikita ko siya na suka ng suka. Tapos ngayon hinimatay siya." ang sagot ng nag-aalalang si Qathy. Wala na naisagot sa Chuniwoo sa mga panahong iyon. Madami gumugulo sa isipan niya. Madaming mga katanungan ang nais niya mabigyan ng sagot. "Okay ka lang ba Hon?" ang tanong ni Qathy. "Oo naman. Okay lang ako." ang tanging naisagot nito.
Umalis si Chuniwoo sa kinaroroonan ni Qathy at Lourdes. Siya muna ang nakipag-usap sa mga bisita at pinaliwanag ang nangyari. Umuwi na ang mga bisita at naiwan ang mga maglilinis ng hardin at mga pinagkainan. Sa may malaking bola ng ilaw na dilaw, ay duon nakatayo si Chuniwoo at hawak hawak isang goblet ng red wine. Sa hindi kalayuan, ay nakatingin sa kanya si Qathy. Makikita mo sa mukha niya ang pangangamba at mga tanong na naghahanap ng kasagutan. Sa matagal na panahon, nang gabing iyon lang ulit nakita ni Qathy ang asawa na nananabako. Hindi maalis sa isipan niya kung ano ang mga pinapasan nitong problema.
Nakahiga na si Qathy sa malaking kama habang nagsisipilyo ang asawa sa bathroom. Pilit man itago ni Chuniwoo ang nararandaman, ay rinig sa kinaroroonan ni Qathy ang iyak ng asawa. Naghihilakbo ito sa kadahilanang hindi niya alam. Hindi kailan man nagtatago ng kahit anong sikreto ang asawa, pero sa panahong ito... iba. Iba ang sinasabi ng puso niya. Iba ang dinidikta ng isip niya. Hindi niya ito pinansin, nagkukunwaring tulog at walang napapansin sa nagbabagong asawa. Pero sa puso at isip, may isa na nagkakatugma, ang mahal niya ito, at ipaglalaban niya.
Sa labas ng pintuan ng mag-asawa ay may isang malaking maleta na nakatayo. Hawaak ito ng isang babaeng nais lumayo sa nuong una ay tinuring niya na Paraiso. Nagdadalawang isip na katukin ang pintuan. Ang puso ay kinakabahan. Dalawang segundo ng napagdesisyonan, subalit kinakabahan. Mga paay unti-unting lumayo, dahan dahan.
Malamig ang simoy ng hangin at bakas ang katahimikan at panlulumbay ng buong paligid. Si Qathy alas singko pa lang ng umaga ay gising na, pero ayaw pang bumangon ng katawan sa kama. Pinagmamasdang ang asawang nuong mga oras na iyon ay himbing na himbing sa pagkakatulog. Pinagmamasdan ang mga mata na kay ganda. Muling inalala ang mga sandaling ito'y una niyang nakita. Kung sana, may anak lang sila, marahil mas magiging masaya pa ang pamilya. Kung sana...
"Oh bakit wala pang handang ispisyal na ulam na kainakain ko araw araw? Saan na ang paborito kong kare-kare?" ang unang naitanong ni Qathy sa may hapag kainan. Tahimik ang lahat. Nanduon ang mga hardinero at mga katulong, pero ni isa, walang nais magsalita."Ano na? Anong nangyayari dito?" ang takang tanong ni Qathy sa mga kasambahay. "Maam, si Lourdes po, umalis na." ang siyang, isang linyang pangungusap na naisagot nga isa sa mga katulong. "Ano?!!!" ang pagulat na sagot ni Qathy. Mabibingi ka sa bawat sulok ng paligid. Lumaki ang mga mata ni Qathy sa gulat na hindi nagpaalam ng maayos si Lourdes. Hindi niya maisip isip kung ano man ang nangyayari sa mga panahong iyon. Subalit, saan niya hahanapin ang mga kasagutan? At dapat bang may mga paliwanag sa mga pangyayari? "Hon, tapat ako sa'yo. Gusto ko katulong alis lahat sila muna." Isang boses na nangagaling sa ikasampung bahagdan ng muwebles na hagdanan... si Chuniwoo.
Ano ang ipagtatapat ni Chuniwoo sa asawa? Anong hiwaga ang nababalot sa pamilya...
Abangan...

No comments:
Post a Comment