Work At Home Now

The On Demand Global Workforce - oDesk

Tuesday, April 6, 2010

Sa Hinaharap: Si Donya Baral




Mainit ang hapon sa Punta Fuego ng mga panahong iyon. Mainit din ang simoy ng hangin. Parang nagbabadya ng isang malungkot na pamamaalam. Mapapansin mo sa lugar ang katahimakan. Madaming tao ang nakapila sa labas ng mansyon, lahat nagluluksa. May mga usap usapan na maririning mo sa bawat kanto ng mansyon. "Saan kaya mapupunta ang kayaman ni Donya Baral? Sabi ipapamahagi daw niya ito sa mga mamamayan ng Punta Fuego, sa lahat ng nagsilbi sa kanya." ang sabi ng isang ale na nakasuot itim na mahabang damit. "Ang balita ko naman, may dadating daw na anak ni Donya Baral na matagal na nawalay sa kanya." yan naman ang kuro kuro ng lalaking may hawak pa ng mga bagong pitas na rosas. May kanya kanyang kuro kuro ang bawat isa, pero iisa lang ang intensyon at nais mangyari ng lahat. Ang mabahagian ng parte ng kayaman ng Donya.

***********



Si Maria Jamina Baral, isang babaeng bata pa lang ay lumaki sa karangyaan ng buhay. Ang kanilang pamilya ang siyang pinakamayaman sa bayan ng Batangas. Siya ang tagapagmana ng Punta Fuego, at ang nag-iisang anak ng pamilya Baral. Sa kanyang kabataan, umibig siya sa isang mangingisda lamang. Hindi tinanggap ng pamilya ang lalaki, pero huli na ang lahat dahil nilayo sa kanya ang kanyang sinisinta na nagdadalang tao na. Dahil nag-iisang anak, tinanggap ng mga magulang si Jamina hanggang sa nanganak. Sa pangatlong gabi ng pagkasilang ng bata, isang mapangahas na lalaki ang kumuha nito at inalayo sa ina. Walang malay ng limang araw si Jamina pagkatapos manganak, pinalabas ng mga magulang ni Jamina na namatay ang bata habang isinisilang ito ng inang mahina ang puso. Nawalan sa tamang pag-iisip si Jamina dahil sa kalungkutan. Labinwalong taon ang nagdaan at bumalik ang kanyang katinuan ng nakita ang mga magulang na nahuhulog sa bangin. Isang sulat na nahanap niya sa ilalim ng kama ng yumaong magulang na naglantad ng katotohanan. Na ang anak niya ay ninakaw ng isang lalaki sa isang gabi siya ay walang malay.



Pagkatapos ng labingwalaon na nawalay sa anak, ay pinahanap niya ito. Hindi alam kung saan magsisimula, pero pinatawag ang lahat pinakamagagaling na private investigators sa bansa upang mahagilap ang nawawalang anak. Dalawang taon ang lumipas sa paghahanap ay balitang magbabago sa kanyang buhay. Ang anak niya na nawalay sa kanya sanggol pa lang ay nakita na.

****************



"Donya, andito na po ang anak ninyo." ang bulong ng katulong ni Donya Baral sa kanya. Sa labas ng villa maririnig mo ang pagtataka ng mga tao sa kotse na dumating. Isang half Pinoy at half American ang nagmamaneho nito kasama ang babaeng mahaba ang buhok, mahinhin at may hawig ito sa nanamlay na Donya. "Si-si-no? A-an-dit-to na ang a-ana-k ko?" ang siyang naitanong ng Donya sa katulong. Maririnig mo ang boses na hinang hina… halos bulong lang ang magawa ng Donya. Hawak nito ang isang lampin na dahil sa kalumaan ay parang isang trapo na kung maituturing. Hawak hawak niya ito buong magdamag. "Opo Donya, andyan na siya. Kamukha mo siya nuong kabataan mo." ang masayang balita ng katulong sa amo. "Gu-gust-o ko na siya mama-kita…. ba-ba-go pa ma-mahu-li ang laa-hat." ang wika ng amo. Halos hindi na maimulat nito ang mga mata sa sobrang hina ng kanyang katawan.

"Iyan na ba ang sinasabi nilang nawawalang anak ni Donya Baral?" ang tanong mga taong nagtataka sa dumating na mga panauhin. "Oo nga, Diyos ko! Kamukhang kamukha ng Donya ang dalagitang iyan. Naalala ko nung kabataan niya na hawig na hawig sa kanya." ang sabi naman ng isang trabahador ng Punta Fuego na naninilbihan na sa Donya simula pagkabata niya.



Itutuloy…..



No comments:

Post a Comment