“Janina!!! Bakit wala pang handang pagkain ngayon? Hindi ba sinabi ko sa’yo na magluto ka ng ulam pagkatapos mo ayusin lahat ng mga nilabhan ko?!” Ito ang maririnig mo sa sulok ng isang talipapa sa Batangas. Mag-aalas siyete ng umaga ng mga oras na iyon at maririnig mo ang ingay sa kalsada at ng mga taong namimili ng isa at gulay sa may talipapa. Lumipas na ang ilang taon at dalaga na si Janina. Madami ang nangyari sa mga taon na lumipas. Ang dati na nakatira sa mansyon na si Qathy at Janina ay ngayon nakatira na sa isang squatter area sa nasabing bayan. Ang dating muwebles na hagdanan ngayon ay gawa sa isang sira-sira na kahoy. Iisang palapag lamang ang bahay nila Qathy at Janina, katabi nito ang isang tumbok na basura kung saan dito iniipon ang mga basura ng mga nagtitinda sa talipapa. Ang dating mamahaling damit na suot suot ni Qathy ngayon ay isang maituturing na basahan. Si Janina, sa sariling sikap ay kasalukyang nag-aaral ng Tourism sa kolehiyo sa Unibersidad ng Batngas. Scholar siya dito kasabay ng kanyang pag-aaral ay ang pagiging student assistant sa isang canteen sa nasabing paaralan. “Nay, pasensya nap o at tinapos ko lang ang assignment ko sa school.” Ang sagot na nangingig na si Janina. “At bakit ka sumasagot? Ha?!! Punyetang buhay naman ito oh! Sino ba may sabi na mag-arala ka? Hindi ba sabi ko sa’yo na pagsilbihan mo lang ako? Tapos ngayon sasagutin mo pa ako?!!! De Pota ka palang bata ka eh!” ang bulyaw ni Qathy kay Janina. Sabay nito ang pagsabunot ng mahabang buhok ni dalaga. Sinampal sa kaliwa at kanang mukha sabay tulak nito sa may kusina. “Ayan, sasagot ka pa? Wala akong pakialam sa katwiran mo! Magluto ka at hugasan mo yung mga pinggan! Punyetang buhay ‘to!” ang dagdag ni Qathy.
Si Janina, sa mga panahong iyon ay walang magawa. Naiisin man niyang umiyak ay baka mas lalo pa siyang saktan ng nakalakihang nanay. Siya ang sinisisi nito sa mga nangyari sa buhay nila. Dahil nga sa nasaksihan ang mga pangyayari nuong bata pa siya na siyang nagpabago sa ikot ng mundo nila, wala itong magawa kung hindi sanayin ang bawat sakit ng sipa, sabunot at sampal ng ina. “Opo ‘nay… Pasensya na po. Hindi nap o mauulit.” Ang siyang nasagot sa ina. Dahan dahang hinugasan ang mga plato at baso na nakatambak sa kusina na pinagamitan ng mga kaibigan ng kanyang nanay na mga sugarol ng nakaraang gabi. Ang dating paghahardin na pinagkakaabalahan ni Qathy ngayon ay pagsusugal na. Dito siya kumikita ng dalawang daan sa isang araw na tama lang na pangkain at pambayad ng utang. Matapos hugasan ni Janina ang pinagamitan, ay nagsaing ito. Sa umaga, dalawang baso ng bigas ang niluluto ng dalaga na umaabot pa hanggang hapon. Kung iisipin, tama lang para sa ina ang pagkain. Kaya minsan, hindi na kumakain si Janina bago pumasok. Si Katie nalang ang nagdadala ng pagkain sa kanya pagkapasok. Habang hinintay ni Janina maluto ang sinaing kanin, sa labas naman ito nagpriprito ng galungong kung saan pinagtitiisan ang sira-sirang dirty kitchen. Inayos ang pagkain sa hapag kainan na dati gawa si Narra na ngayon ay gawa nalang lamang sa nabubulok na malapad na kahoy. Naligo at nag-ayos papuntang paraalan. Late na si Janina ng isang oras at bibiyahe pa ito ng kalahating oras. “Oh bakit sunog ‘yung isda? Hindi ka ba sanay magluto?! Ilang beses na sinabi ko sa’yo na ayaw ko ng ganitong luto!” ang siyang sigaw ng nanay san aka-uniform nang dalaga. Hinawakan ni Qathy ang platong gawa sa mumurahing plastic at inangat papunta sa mukha ng anak. “Tingnan mo! Hindi ba sunog ‘yan? Pota ka!” ang sigaw at pagalit na tanong ni Qathy. Hindi na sumagot ang nanginginig na dalaga na makikita mo sa kanyang mga mata na kahit anong oras ay tutulo na ang mga luha. “Ito! Kainin mo!” ang isa pang bulyaw ng nanay sabay tapon nito sa mukha ng dalaga. Ang mga mantika ay gumapang papunta sa mapunti at nag-iisang damit ni Janina. Nakatayo lamang ito at hinihintay na umalis ang ina. “Umalis ka na at baka magkasala pa ako sa’yo! Diyos ko, kalian matutoto ang batang ito!!! Ang sabi ng ina sabay paghawak ng dalawang kamay sa ulo.
Tumatakbo si Janina papunta sa canteen. Siguradong mapapagalitan na naman ito ng professor niya na nagmamanage ng canteen dahil late na naman sa pagpasok. Dala dala nito ang isang plastik na mga rosas na galing sa kapitbahay niya. Nagbebenta ng rosas si Janina araw-araw at nilalagay nito sa canteen. Kahit papaano, kumikita ito ng limang piso sa bawat bulaklak na naibebenta, minsan pa, pag minamalas, ay dala dala parin nito pauwi na lanta na. Kaya kung minsan, makikita mo si Janina nag naglalako ng bulaklak sa may plaza pagkatapos ng klase niya. Papasok na siya sa gate ng Unibersidad ng mahulog ang bitbit nitong bulaklak. “No, I’ll take care of that.” Ang sabi ng isang boses ng lalake na nasa likuran ni Janina. Lumingon ito at nabigla sa nakita niya. Hindi ito pinansin ni Janina at nagpatuloy sa pagpulot ng mga rosas na mga panahong iyon ay takot na sa maaring sabihin ng professor niya. Dali dali itong nilagay sa plastic at inabot ng lalaki ang isang piraso ng rosas at sabay pagpapakilala, “By the way, I’m….” hindi pa man ito tapos sa pagpapakilala ay tumakbo na si Janina. Naiwan ang lalaki na nakahawak sa batok nito na napangiti na lamang sa nangyari. Sa panahong ‘yon, hawak hawak parin niya ang rosas na hindi na nakuha pa ni Janina.
“Late ka na naman! Haay nako Janina, ilang beses ka na nalilate? Huwag mo sasabihin sa akin na inalagaan mo na naman ‘yang nanay mo? Diyos ko, pwede ba, matatagnggalan ka ng trabaho dito kung parati ka nalang late. Hindi ka na talaga natutoto. Pag ikaw na late pa, tatandaan mo ‘yan, hindi na kita pwede ba ipagtanggol sa Regristrar. Haay nako! Isa kang sakit ng ulo! Pasalamat ka at mabait ka at matalino, kung hindi madami na ang nakakuha sa posisyon mo!”Iyan ang naririnig ni Janina sa professor sa tuwing nahuhuli ito sa pagpasok. Si Professor Bayle ay 27 na taon pa lamang pero kahit kalian ay hindi pa nagka boyfriend. Marahil, nakikita niya sarili niya na tatanda siyang dalaga. Maliit lamang ito pero ang laki laki ng boses na aabot pa sa kabilang barangay. Nagtuturo ito ng Psychology pero dahil sa maraming nasusungitan na mag-aaral ay nilagay ito sa Library. “Sorry po maam. Kasi yung nanay ko kasi… kailangan ko alagaan. Lumalala nap o kasi sakit niya. Hindi ko naman po nais…” ang sasagot pa lang na si Janina ay biglang naputol. “Sorry maam, it’s my fault. Nabangga ko kasi sa may gate si… Yung babaeng maganda.” Ang sagot ng isang lalaki sa likod ni Janina. Lumingon ito sa likuran niya at nakita na naman niya ang lalaki na nakabangga sa kanya nuong papasok siya sa gate. “Ikaw?” ang tanong ni Janina sa sarili

so
No comments:
Post a Comment