Work At Home Now

The On Demand Global Workforce - oDesk

Saturday, April 10, 2010

Paraiso: Si Maldie at ang Kanyang Pagbabalik



 "Hindi ko alam Katie, pero dati rati naman, ako yung nagtatanggol sa mga kaibigan ko. Alam mo ba, may bestfriend ako dati nung bata pa ako, si Maldie." ang kwento ni Janina kay Katie habang nakikipagkwentuhan sa lunchbreak nilang dalawa. Naalala ni Janina ang kababata na si Maldie na lumawas papuntang Manila sampung taon na ang nakakaraan kasama ang buong pamilya nito. May sinabi si Maldie sa kanya na dahilan ng pag-alis nito sa Batangas pero hindi na nito maalala.
**********************

"Nognog si Maldie si Maldie!!! Bwahahahha!!! May nunal si Maldie sa muka!!!! Nognog na may nunal pa!!!" yan ang maririnig mong kantyaw ng mga bata sa elementarya kay Maldie nung nag-aaral pa ito sa ikalawang baitang. "Huhuhuhu... Bakit niyo naman ako inaaway na wala naman ako ginagawang masama sa inyo. Nananahimik lang naman ako dito ah." ang sagot ni Maldie na naiiyak pa dahil sa inis sa sobrang panlalait ng mga kamag-aral nito. "Hoy kayong mga bata na mababaho kayo, bakit niyo na naman iniinis si Maldie ha? Bakit niyo na naman pinapakialaman ang nananahimik niyang buhay?!!" ang wika ng isang batang malusog at matangkad na para sa isang mag-aaral sa ikalawang baitang, si Janina. "Oy kalbong walang ngipin... Bakit mo na naman sinimulan ang pang-bubully sa kaibigan ko?!!! Bakit may ngipin ka na ba?!! Ha?!!" ang matapang na sugod ni Janina sa balugang nang-aaway kay Maldie. "Hoy batang batugan! Mag-sorry ka sa kaibigan ko! Bilis!" ang dagdag pa nito. Walang magawa ang batang lalaki kung hindi ang humingi ng patawad kay Maldie. "Sorry Maldie. Hindi na mauulit." ang wika nito na halatang napahiya sa ginawa. "Teka teka lang... hindi pa tapos. Ano ang gagawin mo na pinag-usapan natin kung mahuhuli kitang inaaway si Maldie?" ang tanong ni Janina na sa mga sandaling iyon ay sigang siga sa kanyang kinalalagyan. "Ang kakanta ako para sarili ko." ang sagot ng bata. Sa mga panahong 'din iyon ay maririnig mo sa kanyang boses ang hiyang nararandaman at sa kanyang mga mata, makikita mo ang mga luha na handa ng bumuhos. "Ako si Hector...hu-hu-hu....Baluga ako...na-na-na...Baluga ako! Wala akong ipin... baluga pa ako! na-na.hu-hu." Ang kanta ni Hector sa sarili habang naiiyak-iyak na. Sabay nito ang pagtakbo sa loob ng silid aralan. "Oh ano pa ginagawa niyo? Bakit pa kayo nakatingin dito? Ang babata niyo pa eh, ang chichismosa niyo na!" ang bulyaw ni Janina sa mga kamag-aral na nakiki-usisa. Dahan dahang nagsi-alisan ang mga bata at pumasok na kanya-kanyang silid aralan.

"Thank you bestfriend... pinagtanggol mo na naman ako." ang wika ni Maldie sa kaibigan sabay yakap nito ng mahigpit sa kanya. Naiiyak pa si Maldie habang niyayakap nito ang kaibigan. "Bakit kaya siya bad sa akin. Ang bait ko naman sa kanya." sabay bulong pa nito kay Janina. "Ganun daw talaga bestfriend 'pag may gusto sayo yung lalaki. Narinig ko sa kapitbahay namin." ang pabiro nitong bulong kay Maldie. Tumawa ang dalawa sa mga sinabi nila sa isa't isa at naupo sa ilalim ng puno ng Mangga. Nakahiga si Maldi sa paanan ni Janina habang si Janina naman ay nakasandal sa puno ng Mangga.  "Ano ang pangarap mo Maldie? ang tanong ni Janina sa kanya. "Gusto ko paglaki ko... gusto ko matanggal ang nunal ko sa mukha, tapos mag-aasawa ako ng mayaman at gwapong lalaki para maging masagana ang buhay ko." ang sagot ni Maldie na nakangiti pa. Makikita mo sa kanyang mga mata habang nakatingin sa mga ulap na may pinangagalingan ang kanyang sinabi. Buo ang luob niya na gawin ang mga pinapangarap nito. "Ikaw naman Janina?" ang tanong nito sa kaibigan na nakatingin lang sa kanya. "Ako? Nais ko sanang makatapos man lang ng pag-aaral pagkatapos, titira kami sa maayos-ayos na bahay ni Nanay. Alam ko nahihirapan na siya simula nung mawala si Tatay. Naging mahirap buhay niya at naging pabigat pa ako." ang wika ni Janina... Napapabuntong hininga nalang ang bata habang nangangarap.
************************************\

"Nakakatawa ka naman pala nung bata ka pa. Ang siga siga mo pala Janina. Hehehehe. Isipin mo yun, ikaw yung pinakamatapang na bata sa school niyo dati." ang pabirong sabi ni Katie sa kaibigan. "Aba'y oo. At saka walang gumagalaw o 'di kayay nangungutya sa akin 'nun. Takot lang nila. Hahahaha." ang sagot ni Janina sa nakatingin na kaibigan na si Katie. Nakapalumbaba si Katie habang pinagmamasdan ang kaibigan. Bibong bibo ito sa pagkukwento at halatang namimiss nito ang kaibigan. Natahimik si Janina ng may isang tanong ito na hindi nito inaasahan. "Bakit kayo nagkahiwalay?".
***********************************

"Bestfriend... Aalis na kami. Si mama kasi, sabi niya kailangan na namin umalis dito sa Batangas para magkapera. Si papa madedestino na sa Manila sa trabaho niya." ang paalam ni Maldie sa matalik na kaibigan. Hindi inaasahan ni Janina ang araw na iyon. Akala niya na lalaki silang dalawa ng sabay, subalit lingid sa kaalaman ng dalawa na mangyayari ito bago pa man matapos ang ikalawang bahagdan. "Maldie... mamimiss kita. Pwede ka naman tumira sa amin nila nanay, kahit baro-baro lang yun, magkakasya naman tayo 'dun." ang pakiusap ng batang naluluha na sa lungkot. "Huwag ka na nga umiyak at nalulungkot din ako... Nakakainis ka naman." ang sagot ng kaibigan na sa mga sandaling iyon ay bumuhos na ang mga luha. Walang nagsalita... walang nagkibuan. Parehong lungkot at paghihinayang ang nararandaman ng dalawa. Malamig ang simoy ng hangin, mapagmamasdan mo ang luntian na mga damo at mga ibong lumilipad sa kalangitan na maaliwalas. Sa bawat sulok ng paaralan ay may mga punong may nakasabit na parol. Nung nakaraang taon, magkasama sila Janina at Maldie sa pamamasko. Sabay sila kumakatok sa bawat tahanan na nadadaanan. Sabay tumatakbo kapag napapagalitan. Iyan sila Janina at Maldie, halos magkapatid na ang turing ng bawat isa.

Simula ng mawalan si Janina ng kapatid pagkatapos ng sunog sa hacienda, ay nangulila na ito sa kapatid. Wala na itong kinakausap at nilalaro hindi gaya ng nung nabubuhay pa ang kapatid na si Katie. Kaya nuong nakilala niya si Maldie simula ng unang baitang, hindi nito pinalampas ang pagkakataon na kilalanin. "Naalala mo pa ba nung nasa unang baitang pa tayo, nung pinagalita ako ni Maam Chuleng? Hindi ba nilagyan ko bubog yung upuan niya, at siya naman sigaw nito ng malakas dahil sa sakit?" ang tanong ni Janina pagkatapos ng matagal na katahimikan."At pagkatapos nun, hindi siya nakapasok ng isang linggo, na ang pumalit naman ay si Mr. Rowland na ang gwapo gwapo." ang wika ni pa ni Maldie. "Oo, si Mr. Rowland na may anak na cute cute na si Oliver na nag-aaral sa isang private school?" ang dugtong ni Janina. Sabay nagtawanan ang dalawa at halos maiyak-iyak na sa sobrang saya. Tumahimik ulit ang paligid na nagbabadya ng pagpapaalamanan. Hindi nagyakapan ang dalawa... naunang humakbang si Maldie patungo sa ibang direksyon. Nakatalikod ang dalawa sa isat-isa habang may huling sinabi si Maldie. "Wala nang magtatanggol sa akin. Babalikan kita dito Janina. Naiinis ako sa'yo dahil mahal na mahal ka ng lahat ng tao, pati nanay at tatay ko. Pero okay lang yun... mabait at maganda ka naman kasing tunay. Pero babalik ako dito na maganda na, at mamahalin din ako ng mga tao." bago pa man nawika ni Maldie ang mga ito, ay tumakbo na si Janina palayo at unti-unting bumubuhos ang mga luha nito. Kasabay ng ihip ng malamig na hangin ang pagbuhos nga mga luha ng bata. "Parati nalang ako iniiwan. Parati nalang. Una, si daddy... pangalawa si Katie, ngayon naman si Maldie? Bakit ba ako iniiwan ng mga taong mahal ko." ang natanong ng bata habang tumatakbo at umiiyak sa kawalan.
***************************

"Nakakalungkot naman pala ang kwento mo. Pero alam mo Janina, magkikita din kayo ni Maldie pagdating ng panahon. Alam ko namimiss ka rin niya." ang payo  ni Katie sa kaibigan. Nakatingin si Janina sa puno ng Mangga habang inaalala ang kabataan nila ni Maldie. Malungkot ito at namimiss nito ang kaibigan. "Nasaan na kaya si Maldie? Kamusta na kaya siya?" ang tanong nito sa kanyang isipan.

No comments:

Post a Comment