Work At Home Now

The On Demand Global Workforce - oDesk

Monday, April 5, 2010

Ang Simula



Ang Simula

          “Maam Qathy, may bata po labas ng kubo natin… umiiyak! Nakabalot lang sa maliit na basket!” Nangyari iyon sa isang gabing umuulan sa isang maliit na hacienda sa Batangas, ang hacienda Min Si. Kalaliman ng gabi ng lumabas ang katiwala na si Mang Lourdes, upang ihiwalay ang mga mais at palay sa loob ng maliit na kubo. Dali dali itong tumakbo sa kwarto ng donya na si Qathy, na nanggaling sa isang mahirap na pamilya ngunit nakapangasawa ng isang hapon. Limang taon na silang kasal subalit wala paring anak sa panahong iyon. “Dalhin mo dito ang bata bilis!” ang sagot ng kagigising pa lang na donya.
          Inilapag sa malaking higaan ang bata, basang basa at isang mainipis na  tela lang ang nakabalot. Inihiwalay nila ang basket kung saan ito nakalagay. Napansin nila na may maliit na papel na nakasulat sa loob nito. “Maam,hindi kop o mabasa ng mabuti pero parang pangalan ng bata ata ang nakasulat nito…”Janina” ang sabi ng katiwala. “DIyos ko, sinong mga magulang ang makakagawa ng ganito sa kanilang anak lalo na’t sanggol pa lamang.” Ang wari ng donya. Umuulan parin ng malakas sa paligid at ang maririnig mo sa paligid na iyon ay ang buhos ng ulan lamang. “Janina… yan ang pangalan ng bata. At sa palagay ko ay siya ang regalo galling sa langit.” ang wari pa nito sabay niyakap ang sanggol na parang bata na galling sa kanyang sinapupunan.
          “Hindi ko anak bata yan! Hindi galling akin yan! Malas negosyo!  Yan ang sigaw ni Chuniwoo, ang asawang intsik ni Qathy. “Pero honey, wala pa tayong anak. Ito na nga lang ang kasagutan ng diyos sa mga panalangin natin.” Ang sagot ni Qathy. Umaga noon at katatapos pa lang malakas na ulan at kadadating pa lang ni Chuniwoo galling sa business trip sa China. “Kasalanan na ako sa pamilya ko dahil kasal ako ikaw Pilipina… tapos wala ako anak na akin… meron pa dagdag bata hindi atin kilala.” Ang tanging nasagot ng instik.
Mahal na mahal ni Chuniwoo si Qathy dahil sa isang rason, nakita nito ang kagandahan at tunay na pagmamahal sa kanya. Kay Qathy niya nakita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ng minsan nagpanggap ito na baliw at pulubi. Kinupkop ni Qathy at inalagaan hanggang sa umabot ang panahon na ito ay nagtapat ng katotohanan. Isang mayaman at kilala ang pamilya ni Chuniwoo sa China at sa panahon na hindi pa niya nakilala si Qathy, lahat ng mga naging kasintahan nito ang habol lamang ay pera.
Pinakilala niya ito sa kanyang mga magulang subalit ito ay hindi tinanggap. Bumalik sa Pilipinas ng sawi ang dalawa na nuon ay magkasintahan pa lamang. Dahil sa nag-iisang anak si Chuniwoo, hindi ito natiis ng kanyang ina at pinamana lahat ng ari-arian sa kanya bago pa man ito namatay dahil sa isang aksidenteng natamo sa eroplano.
Nagpakasal pagkatapos ng dalawang taon. Subalit hindi naging madali ang buha mag-asawa ng dalawa. Lumipas ang mga taon naging malungkot ang kanilang pagsasama sa kadahilanang, wala pa silang nagiging bunga ng kanilang tunay na pagmamahalan.
          “Alam ko iyon hon, alam na alam ko. Marahil kung hindi dahil muqin mo, mas mahirap pa dito pinagdadaan natin, pero alam na alam mo naman mahal na anak ang wala tayo. Yun ang nagkukulang sa pagmamahalan natin, dahil hindi kita mabigyan.” Ang sagot ni Qathy sa asawa na naguguluhan narin. “Ok ok.. ampon atin bata pero hindi akin apliyedo. Ayaw ko sa bata yan, pero payag ako na dito tira at tayo palaki habang wala tayo anak pa. Pero tayo meron anak na… alis na bata dito.” Ang sang-ayon ng intsik. Sa mga oras na iyon, halong tuwa at lungkot ang nararandaman ni Qathy para sa bata. Sa isip niya, paano kung magkakaanak na sila ni Chuniwoo, paano kung mapahal na siya kay Janina at hindi na niya kaya itong ilayo pa. “Oh cge mahal, naiitindihan ko. Sang-ayon ako sa gusto mo.” Ang malungkot na tugon nito sa mahal na asawa.

          Lumipas ang 2 buwan at lumalaki na si Janina. Pinabinyagan nila ito sa isang katolikong simbahan at binigyan ng apelyidong Dela Rosa na siya namang apeliydo ni Qathy ng pagkadalaga. Habang tumatagal ay nagiging masaya na ang hacienda Min Si. Naging masagana ang negosyo nila sa palayan at mga prutas. Nagkaroon pa sila ng farm ng mga bulaklak at napalawak pa na ang dati ay maliit lamang na hacienda. Hindi din naglaon at gumaan ang loob ni Chuniwoo kay Janina.
          Tatlong taon ang dumaan na masaya nilang pinagdidiriwang ang kaarawan ng kanilang munting anghel. Naging masagana pa lalo ang kanilang kabuhayan at minsan nalang lumalabas ng bansa si Chuniwoo. Nagkaroon pa ng pagkakataon na nagbabakasyon silang pamilya limang beses sa isang taon.
          “Maam, titigil na po ako sa paninilbihan sa inyo ni sir. Panahon na po ata na magpahinga ako at umuwi sa mga pamilya ko.” Ang biglang sabi ni Lourdes habang nasa pagtitipon para sa ikatlong kaarawan ni Janina. “Lourdes, umamin ka sa akin… may sakit ka ba?” ang siyang tanong ng donya sa katulong. “Maam, paano niyo naman po nasabi iyon?” ang tanong ni Lourdes sa amo na takang taka sa sinabi ni Lourdes. Sa mga oras na iyon, damang dama ang katahamikan sa paligid sa gitna ng pagsasaya ng mga bisita sa kaarawan ni Janina. “Wala naman Lourdes, napansin ko lang na nung mga nakaraang araw ay napapalas pagsusuka mo.” Ang siyang tugon nito. “Ah ganun po ba maam?” biglang natigilan si Lourdes sa pagsasalita, dahil hindi nito inaakala na napansin ito ng amo niya wala na ibang ginawa kung hindi ang makipaglaro sa anak. “Ah ganun po ba maam?~~~Hindi naman po. Napapadalas lang po talaga ang pagsakit ng pakirandam ko. Kaya naisipan ko narin ang magpahinga.” Ang mabilis nitong sagot. “Ah ganun ba? Oh cge, kakausapin ko sir mo para mapaghandaan naming pag-alis mo at makahanap kami ng kapalit mo. Pero alam mo naman na hindi ka na iba sa akin ‘dba? Kaya kung may maitutulong ako, eh huwag ka na mahiya pa na humingi ng tulong.” Ang sabi ni Qathy. “Ay hindi po maam. Ito naman si maam, alam ko po yun. At kung pwede po ba na atin atin nalang ito at huwag na natin ipaalam kay sir?” ang tanong ni Lourdes na nuong una ay pabiro pang sumagot. “At bakit naman? Ang nagtatakang tanong ni Qathy. “Eh kasi po, nahihiya ako kay sir. Ang bait bait po kasi ninyo sa akin at hindi naman po makatwiran ang pag-alis ko ng biglaan, kaya kung pupwede po sana, ipalabas nalang natin na may emergency ako sa probinsya.” Ang medaling sagot nito sa amo. “Okay sige Lourdes, sigurado ka ba?” “Opo maam.” Ang sagot nito sa among mas lalo pang nagtaka. Niyakap ni Lourdes ang amo ng mahigpit na siya naman pinagtaka ni Qathy. Hindi batid sa kaalaman ni Qathy na habang ito ay mahigpit na nakaakap sa kanya, ay my luhang tumulo sa mga mata ni Lourdes, na parang nagpapahiwatig ng isang matinding kalungkutan.
          Sa hindi kalayuan ay nakatayo si Chuniwoo na nakatingin sa dalawa. Makikita mo sa kanyang mukha ang pag-aalala at kalungkutan. Hindi maipawatig ng intsik ang kanyang nararandaman subalit may halong kaba ito sa nakita. “Daddy, gusto ko po ng ice cream.” Ang tawag ni Janina sa nakilalang ama sabay paghawak nito sa puting pulo ni Chuniwoo. “Of course anak. Sama ka akin punta sa mahabang table, tanong tayo sa mama kung meron pa ice cream para sa akin mahal na Janina.” Ang siyang sagot nito habang nakatingin parin sa dalawang babae. Nagtungo ang mag-ama sa mamang nagseserve ng ice cream.
          Habang kinakalong ng ama ang anak na naka-rosas damit at may bulaklak na palamuti sa ulo ay nilapitan ito ng isang lalakeng naka tuxedo na hawak hawak naman ang isang batang babae na naka kulay rosas din ang damit. “Mr. Min Si, kamusta na? Iba na talaga ang buhay mo ngayon. Dati rati eh nakita kitang namamalimos lang sa daan. Iba na talaga ang nagagawa ng sikap at tiyaga.” Ang sabi bati nit okay Chuniwoo. “Mr. Jeremiah Tucson, ikaw pala ‘yan. Hindi na kita napansin dahil sa dami ng tao.” Ang siyang sagot nito sa kausap. “Hello Janina…Happy birthday!” ang bati nito sa bata sabay pisil sa pisngi nito. “Hello po councilor.” Ang bati ni Janina kay councilor Tucson. “Janina, ito pala ang bunso kong anak na si Unica, at Unica, ito naman si Janina, siya ang nag-imbenta sa atin dito kasi birthday niya.” Ang pagpapakilala sa dalawang bata. “Duh, daddy, she did not invite us. It’s her parents. She can’t even afford this party. Remember, she is like ampon lang hindi ba?” ang siya naman nitong pambabastos kay Janina. “Unica, watch your mouth anak. Your attitude is very unacceptable!” ang pagsaway nito sa malditang anak. “No Mr. Tucson, that’s fine. She is just a kid.” Ang sagot ni Chuniwoo kay Jeremiah. “Say sorry to Janina, Unica.” Ang bilis na utos nito sa anak. “Alright, I’m sorry Janina.” ang sabi ni Unica sabay pag-ikot ng mga mata nito. “Pasensya ka na Mr. Min Si, hindi ko inaasahan na ganyan ang sasabihin ng anak ko.” Ang paghingi ng paumanhin ni Jeremiah. “That’s fine… bata lang si Unica, hindi niya alam naririnig niya sa paligid niya.” Ang sagot ni Chuniwoo kay Jeremiah, sabay kalong kay Janina at naglakad papunta sa mamang sorbetero. Sa mga panahong iyon, alam na alam ni Jeremiah na may pinangagalingan ang sinabi ni Chuniwoo sa kanya. “Daddy, ano po yung ampon?” ang inosenteng tanong ni Janina sa ama. “Nothing anak. Hindi dapat atin pag-usapan bagay ganyan..” ang sagot ni Chuniwoo sa kanya.
          Kinagabihan, habang ang mga tao ay nagdadagsaan na, mula sa pinaka mababang uri ng mangagawa hanggang sa mga pulitiko na kaibigan ng pamilya, nakaupo lang sa isang tabi si Chuniwoo, nag-iisip. Sa mga oras na iyon, dalawa lang ang kanyang iniisip, unang sumagi sa isip niya ang pag-uusap ng asawa at ni Lourdes na kung saan hindi niya maintindihan kung bakit may mga luha sa mga mata nito. Halong pangagamba ang nadarama nito at pagtataka. Sa unang pagkakataon, naipagtanggol niya ang anak na si Janina sa kapahamakan. Hindi niya alam na nahuhulog na ang loob niya sa bata. Mahal na niya ito at tinuturing na niya na tunay na anak. “Lourdes! Ano nangyari sa’yo?!!” ang sigaw na pumutol sa malalim niyang pag-iisip na nangagaling sa kusina. Nagtakbuhan ang mga tao at dali dali naman siya tumakbo patungo sa kinaroroonan ng sigaw na galing sa kanyang asawa. “Lourdes… Diyos ko… ano ba nangyari sa’yo!?? Tulungan niyo po kami.”

2 comments: